Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Tag Archives: kape

Quits Lang, Wala Rin Siyang Tinapay!

Kuwentong basurero muna tayo ngayon.

****

tinapay

tinapay

Kumakaripas ng takbo si Arko Angelo. Parang si rodraner nga na umaalikabok pa ang madaanan. Takang-taka ang tatay niyang si Mang Tonyo. Hangos na lumapit sa namanghang ama. Sabay yakap sa ama at humagulgol.

Bakit, anak? Hinaplos ng ama ang likod ng kaniyang paboritong anak. Tatlong taon pa lang ngunit nangangapit bahay na ito.

Si toneyt kasi, tay. Ayaw akong bigyan ng tinapay.

Para tinapay lang, umiiyak ka na. Dinukot ng ama ang kayang bulsa at ambang magbibigay siya ng piso. Wala siyang nadukot at umatungal si Arko Angelo.

Hayaanmo anak. Makakabawi ka rin sa kanya.

Tumango ang anak at biglang sumaya ulit ang kanyang mukha. Ipinunas ang nanlalagkit na niyang t-shirt sa mukha at naghalu-halo na ang luha at sipon sa alikabok sa nangingitim na niyang damit.

Tay, ‘pag namatay din kayo hindi ko rin bibigyan ng tinapay si Toneyt, ha?

Mamamatay din ang tatayko, wala ka ring tinapay! Pasigaw na sambit ang papalayo ng si Arko.

Naiwan ang ama na nagtataka at kinakabahan.

****

Huwag kayong magturo na bumawi sa iba… 😀

Dagdag Gawain:

1. Uso pa ba ng pakape sa lamayan ngayon?

2. Ilang beses ka ring nagkape sa may patay?

3. Ilang besesmo nang nagamit ang Quits Lang maliban noong nagbreak kayo ng akala mong nagmamahal sa iyo? Yung totoo lang, ha.

Advertisements
%d bloggers like this: