Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Tag Archives: selpon

txt txt lng am hmsik

Simpleng kahilingan. Katumbas lang ng piso.

may pera sa basura

Mura. Simple.

Mahirap lang gawin…

Mura. Kaya, parang balewala.

Simple. Kaya, di pinapansin.

Mahirap gawin. Dahil ba sa espasyong namamagitan?

Ngunit…

Kung ito’y galing sa ama mong nag-iisa nang namumuhay, ano ang feeling mo?

Totoo. Galing ito sa ama ko.

Para nga akong nadaanan ng kariton na punumpuno ng mga kalawanging bakal, e, noong natanggapko ang mensahe.

Mahirap pala kung lahat na mga anakmo ay nakapag-aral o mga lagalag na tuladko…

Maiksi lang. Txt nga. Pero, mahaba ang hiblang hinila sa akin.

Dahil sa katutulak ko ng kariton ng buhayko, nakalimutan kong minsan may nagtulak din ng isang kariton.

Na minsan, nakasakay pa pala ako sa kariton na pilit itinutulak.

Na minsan, naging sanhi pa ako ng pagkaantala ng biyahe ng kariton dahil dapat akong umihi.

Na minsan, kahit nadiskarel ang kariton, may bumubuhat sa akin.

Na minsan, kapag nakatulog ako sa kariton, bumabalik kami sa bahay na walang karga. Masaya pa rin.

Na minsan, may isang naging kariton para maitawid lang ako sa lansangan upang makabili lang ako ng lollipop at mangiti ako ng abot-langit.

Na minsan…

Na minsan…

Na minsan…

Na minsan, may isang amang humihingi lang ng isang pisong pagmamahal.

Dagdag Gawain:

  1. Kung buhay pa ang ama mo, kunin mo ang selponmo at itxt: Tay(space)i(space)luv(space)u at isend sa number niya.
  2. Ilang beses mo na ba itong ginawa: Tay(space)pingi(space)pera(space)(amount) at isinent sa number niya?
  3. Ano ang madalas mong inuunang isuot, kanan o kaliwang sapatos?

Graphics by: Eli at blographics

Advertisements
%d bloggers like this: