Basurerong Pinoy

Mga Samu't Saring Katha ng Isang Basurerong Pinoy, Anak Busabos at Alipin ng Kahibangan

Tag Archives: tulaang basurero

Alay Kay Ka Villa

Reblog lang ito…kaya’t pagtiyagan n’yo na po…

****

“…when the beautiful were in the contradictions we saw, in the conflicted lives we lived, in the poems of radicalism we wrote, and when salvaging was common in the hills of that seminary you studied, remember. The guns fired against the helpless would signal the crack of dawn, and would crack the dark silence of the hills” (parte ng komento noon sa tulang ito)

-Dr. Aurelio S. Agcaoili

****

Noon, may mga professor ako na ang tawagko sa kanila ay Agca at Villa. Sa kanila rin galing ang bansag kong Loren, he he he…

Itong tula  na ito ay alayko sa isang guro na humubog sa aking pananaw at pagkatao. Na mula ng siya’y lumisan sa silid-aralan namin, ‘di ko na rin nakita magpahanggang ngayon…

At sa palagayko, makabuluhan pa rin hanggang sa kasalukyan…

Alay kay Ka Villa

(isang seminarista, guro, aktivista, 1992)

ang pagkaputol ng iyong pakikibaka
ay isang simula rin;
isang tuldok sa pagtatapos
ng ilang berso at simula
ng talata ng mas mahaba at matagal pang
pagpipinta sa tula ng buhay
sa silid-aralan na buhay–
aralin na naisilid
sa pangako ng mga limot na mga santo.

Ang pagtatapos ay pagsisimula rin.

Ang paghinto ay isang hakbang
sa mas malawakang paglalakbay
ng ating panaginip,
ang ating dahilan,
ang dahilan ng bayan,
ang dahilan ng lahat.

Ang iyong paghinto ay isang tulak
sa ating pagsulong
na pinapainit ng mga pihit
at hakbang ng panahon.

Di ba buhay ay ganyan?
Ba’t ka nagmumura?
Shit! ay alay sa bayan.

26 Set 1992

Lagalag Uno

Tulang Basurero naman tayo ngayon…

***

Ang pagdating ay pag-alis din
Ang pagtigil ay siya ring paggalaw

At sasara ang pintuan
at kakalampag ang mga bintana ng kubo
pakatapos mong banggitin ang piping paalam
ang hagubilin
sa mga maiiwang kasama sa ilang saglit
may init ang yakap na parang galing sa siga
lumalabas mula sa lupa aakap ito na gadikit ng pukyutan
o kaya’y ‘palatipot’ na ngiti sa dilim
ng takipsilim kahit binabayo
ng kombat bots ang malamig na hapyaw ng hangin: lumilipad ang hangin
may kambal na tilamsik bulong ng akap
ang bumibigwas na masalubong:
sisirko ang utak at tatalon sa puso
mabubungkos ang pulso na humuhulagpos
sa mga paa: mag-uumpugan ang mga bato titilamsik
ang mga buhangin tae ng kalabaw ang lalagapak
mahihila ang basahan ang amoy
ng istakeds ng gabi’y lumalagablab

Susugurin ng mga paa
ang burol at ang batis
ang pilapil at kahit ang mga gurlis. E, ano
kung lulubog na tulad ng kakilalako
nadulas at kumalabog sa imbornal na maamoy? E, ano
kung ang mga daliri’y kakapa? E,
na kahit ang mga sakong ay kakapa din?

At kung ‘di na malingon
ang pinanggalingan mayro’ng darating
na mga kasama para din hiyaw
ang mga paanas na bati:
s’anka galing?
puntamo?
kasamamo?
at matapik ang password oo abra
sina abra
at mapipiga ang sintido sa pag-alala
ng mga alias: bubot na bayabas
kambal na granada anak ng daga
kahit ano basta’t may kahulugan karpa
kahel saba damit na luma
amoy ng dugo marami at tulad
ng ukay-ukay na sakosako
sasabog at mapagbukod-bukod
sa luma mula sa bago.
Masasabi ang lahat na ito
sa higpit ng pag-aabang at pagsalubong
sa mga kuwento’t sanaysay
sa sungaban din at sa krusan
palihim ang pagpitik ang walang humpay
na paglagalag ng mga anino:
periodista seminarista pasabilis
magsasaka mangingisda activista
doktora na kadre baliktad na pulis
nakadapa ngunit sumisilip din
sinisipat ang kahinatnan ng kislap
mula sa liwanag na humilagpos sa gatilyo ng garand
masusunod din ang mga plano na inin-in sa ilang
pagpapainit ang ‘di mabilang
na pagtigil ng sandali:
Ano ‘yan, garand?
Oo, hinablotko noon sa humandusay na…
Sablay, e ‘yan?
Punyal ha ha ha ‘yan?
357 bago? Oo. Kinakalawang naman
kulang sa hasa. Larawan porma
bigat at amoy
ng padapang paglublob na kahit pikitka
maisalarawan at ibibigay din nila ang ehemplo
at malalaman din ang tama
mapag-aralan ang gamit ng kahit ano
na parang ganito: si Tonio tumayo pa
na bumuburod ng ganito
at wasak ang kampo:
sa atin ang lupa!
ang ani! ang laya!
Ito a ticket itagomo
sa kaibuturan ng iyong puso.

Nanditoka na sa sangandaan
may malinis na daan
at may masukal din sa harapan.
O kaya maari mo ring linisan
ang sarili mong landas na patungoan?

Umaalog ang mga tuhodmo
na tumisod sa hamog
mahuhulog at sasaluhin ng tigang
na lupa na lulubog sa iyong mga yapak
ng malayang paa
(nasa balikat na
ang kombat bots na pagod din)
na nag-aabang sa mga sandali
na maagaw ng liwanag
ang rikit ng dilim
at bubulwak ang bintana
at huhulagpos ang pintuan
sa iyong pagdating.

Ang pagwasiwas ng iyong kamay paitaas
at ang pitong beses na kalabog ng iyong kamao
sa dibdib ay siyang sukat
ng tagumpay na idinatingmo.
Sa iyong saglit na paglagi sabi namin:
may hamon lagi ang landas
na iyong tatahakin at baonmo ang hiyaw ng pagkilos
at maging pananggalangmo ang alab ng mga panaginip.

%d bloggers like this: